PDu30 sa pagtatapos ng termino: ‘Kung kulang pa, pasensya na’

PDu30 sa pagtatapos ng termino: ‘Kung kulang pa, pasensya na’

May 23, 2022 @ 7:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga posibleng pagkukulang niya sa loob ng kanyang anim na taong panunungkulan.

“In a few days, I’ll be out. Iyong nagawa ko, para sa akin, ‘yon na ‘yon, the best that my efforts can really achieve. Kung kulang pa ‘yon, pasensya na po, hindi ko na talaga kaya,” saad ni Duterte, 77, sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng bagong gusali ng MMDA sa Pasig City.

“The things that I failed to do… mostly not because of negligence or may mga shortcomings ako but talagang time. Six years would not be enough to finish all the projects,” dagdag niya.

Kasabay nito, nagpasalamat ang pangulo sa taumbayan sa aniya’y pagbibigay sa kanya ng pagkakataong maging pinuno ng bansa at sa tulong ng mga tao sa kanyang anim na taong panunungkulan.

“Maraming salamat po sa inyo and your help in my journey in the 6 years na binigyan n’yo ako ng honor maging presidente ng Pilipinas.”

Matatandaang nakilala si Pangulong Duterte sa kanyang campaign slogan noong 2016 na “change is coming”, kung saan ipinangako niyang tatapusin ang kriminalidad, korapsyon at ang problema sa iligal na droga.

Nakatakdang bumaba sa puwesto ang pangulo sa Hunyo 30. RNT/ JCM