PDu30 sa publiko: Mga ibobotong kandidato ilista

PDu30 sa publiko: Mga ibobotong kandidato ilista

April 20, 2022 @ 10:37 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa. Duterte ang mga botante na ikonsidera ang paghahanda ng listahan ng kanilang preferred candidates para sa Election Day.

Makabubuti aniya na matandaan ng mga botante ang pangalan ng kanilang napiling kandidato.

Sa idinaos na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) campaign rally sa Caloocan City, inamin ni Pangulong Duterte na na-guilty siya na nakalimutan na dalhin ang listahan ng kanyang preferred political bets nang bumoto siya sa nakalipas na halalan.

“Keeping a list of names handy, would prevent voters from forgetting which candidates to vote for,” ayon kay Pangulong Duterte.

“It would be good kung magdala kayo ng listahan – kung sinuman ‘yung kandidato ninyo – kunin ninyo sa sinusuportahan ninyong kandidato, either a national or local slate,” aniya pa rin.

Nagpahayag naman ng pangamba ang Pangulo na ang pagdadala ng listahan ng preferred candidates ay makapaglagay sa alanganin sa mga botante.

“You know there’s a lot of people who think na masama ‘yang magdala ka ng papel. Hindi ho. It’s all right, lalo na kung magkopya ka because you cannot remember ‘pag nandoon ka na,” aniya pa rin.

Gustuhin man o hindi ng mga botante na itulak ang straight-ticket voting o hindi, ang pagkakatoon ng listahan ng preferred candidates ay advisable.

“If you want to vote straight, fine; if not, then you can choose. Maglista kayo ng mga kandidato na gusto ninyo. It is all right to copy a list prepared by you or a sample ballot that is given to you during election time,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose