PDu30 sa sunod na presidente: NTF-ELCAC ‘wag buwagin

PDu30 sa sunod na presidente: NTF-ELCAC ‘wag buwagin

March 22, 2022 @ 1:12 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na manatili ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa susunod na administrasyon.

Para sa Chief Executive, ito ang pinaka-epektibong paraan para labanan ang insurgency.

Tinukoy ng Pangulo ang the anti-insurgency task force na nagpalabas ng barangay development funds para sa mga lugar na inaakalang libre o malaya na mula sa komunista at iba pang insurgent groups.

“I hope the next administration will continue NTF-ELCAC. Sabi ko sa mga komunista, lumabas na kayo. Kung may panahon pa, kasali kayo sa land reform. Mag-surrender na kayo kasi iyang ELCAC, tutulungan kayong mga rebelde,” ayon sa Punong Ehekutibo sa Talk to the People, araw ng Martes.

“Ito ay may sariling bahay at sariling lupa. Huwag kayong sumali diyan sa mga rebelde na kasabwat ang mga miyembro ng political parties sa kabila,” dagdag na pahayag nito.

Inulit naman ni Pangulong Duterte ang nauna niyang sinabi na mayroong isang presidential candidate ang nakikipagtulungan sa rebeldeng komunista.

Hindi naman pinangalanan ng Pangulo kung sino ang presidential bet na ito.

“At this time, I’m not ready to mention the names, but mayroon tayong partido headed by someone running for the presidency and yet they are also playing into the hands of communist mismo,” ayon kay Pangulong Duterte. Kris Jose