PDu30 sumaludo sa hakbang ng SG vs COVID-19 sa Nat’l day

PDu30 sumaludo sa hakbang ng SG vs COVID-19 sa Nat’l day

August 10, 2020 @ 9:20 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Mas magiging matatag ang ugnayan at pagkakaibigan ng Pilipinas at ng Singapore ngayong panahon ng pandemya.

Sa naging mensahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa ika- 55 taong pagdiriwang ng National day of the Republic of Singapore, sinabi nito na bilang magpartner sa ASEAN, sana ay mas maging solido pa ang relasyon ng Pilipinas at ng kaibigang bansa patungo sa mga inaasam na mithiin ng dalawang nasyon.

Umaasa ang Punong Ehekutibo na maabot nila kapwa ang kanilang ambisyon sa gitna ng mga hamong dumarating gaya ng nararansang pandemya alang-alang na rin sa kani-kanilang mamamayan.

Aniya pa, nakikiisa ang buong sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng Singapore kaugnay ng mga natamo nitong pagtatagumpay dahilan para maibilang sila sa mga bansa sa Asya bilang isa sa mga moderno at masaganang bansa sa rehiyon. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...