PDu30 tutok pa rin sa trabaho hanggang sa huling araw sa Palasyo

PDu30 tutok pa rin sa trabaho hanggang sa huling araw sa Palasyo

May 25, 2022 @ 7:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patuloy pa ring gagampanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mandato sa bayan hanggang sa huling araw niya sa Malakanyang.

Nabatid na sa Hunyo 30 ay pormal na matatapos ang termino ni Pangulong Duterte kung saan papalitan siya ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa katunayan, ayon kay Acting Presidential spokesperson Sec. Martin Andanar, lahat ng kanyang aktibidad sa huling buwan ng kanyang termino ay kanyang gagampanan at tutuparin.

Sinabi ni Andanar na kung anuman ang mga naka-schedule sa kalendaryo ni Pangulong Duterte tiyak aniyang pagbubuhusan parin ito ng oras ng Chief Executive.

Kabilang na aniya dito ang mga dapat niyang i-meet o kaharapin na mga tao at mga official events o mga pagtitipon.

Makasisiguro rin aniya ang publiko na lahat ng mga kinakailangang mapirmahan na mga batas o dokumento ng Presidente ay kanyang lalagdaan. Kris Jose