PDU30, walang kanser

PDU30, walang kanser

October 10, 2018 @ 8:19 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Tinuldukan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siya ay may malalang sakit.

Sa katunayan, personal niyang inaanunsyo na wala siyang sakit na kanser.

Base aniya sa pinakahuling medical tests na isinagawa sa kanya, negatibo umano siya sa kanser.

Kaya nga aniya kahit suspetsa lamang ng mga doktor na kanser ang nakitang “growth” sa kanyang esophagus o lalamunan ay sumailalim pa rin siya upang masiguro kung ano talaga ang kanyang sakit.

Tinuran ng Chief Executive na may mga bagay na hindi naman kailangang ipasabi maging kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Matatandaang, sinabi ni Sec. Roque na pinag-iisipan nitong magbitiw na lang dahil wala siyang “full access” sa schedule ni Pangulong Duterte gaya ng isinagawang follow-up endoscopy at colonoscopy.

Ngunit para sa Pangulong Duterte, hindi naman nagtanong sa kanya si Sec. Roque at malamang wala din siyang balak ipaalam pa ito./Kris Jose