Peace deal sa Myanmar crisis pinabibilisan ni PBBM

Peace deal sa Myanmar crisis pinabibilisan ni PBBM

November 11, 2022 @ 4:58 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kailangang bilisan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang implementasyon ng peace agreement, o mas kilala bilang “five-point consensus,” para tugunan ang krisis sa Myanmar.

Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ginanap na 41st ASEAN Summit Retreat sa Phnom Penh, Cambodia, sabay sabing siya at ang kanyang mga kapwa Southeast Asian leaders ay marapat lamang na pakinggan ang panawagan para sa kapakanan at proteksyon ng mga mamamayan ng Myanmar, isa sa member-states ng 10-nation regional bloc.

“The Philippines thus reiterates the need for the speedy implementation of the Five-Point Consensus, which Myanmar agreed to in the ASEAN Leaders’ Meeting held in Jakarta in April 2021,” ayon kay Pangulong Marcos.

Matatandaang Abril 2021, nakabuo ang ASEAN member-states ng “five-point consensus,” na nananawagan para sa agarang pagpapatigil sa karahasan sa Myanmar at constructive dialogue sa lahat ng concerned parties.

“Under the peace agreement, a special envoy of the ASEAN Chair shall also facilitate mediation of the dialogue process, with the assistance of the Secretary-General of the regional organization,” ayon sa ulat.

“The deal also mandates the ASEAN member-states to provide humanitarian assistance and send the special envoy and delegation to Myanmar to meet with all parties concerned,” dagdag pa.

Sinabi naman ni Marcos sa kanyang mga kapwa ASEAN leaders na ang malinaw na deadlock sa implementasyon ng peace deal ay maaaring makamantsa sa magandang reputasyon ng rehiyon.

“While the Philippines adheres to the ASEAN principles of non-interference and consensus, the protracted suffering of the people in Myanmar, in part due to the lack of progress in the implementation of the Five Point Consensus, also challenges the ASEAN-honored principles of democracy and the respect for and protection of human rights and fundamental freedoms enshrined in the ASEAN Charter,” lahad nito.

Tinuran pa ng Punong Ehekutibo na ang direktang negosasyon sa military junta at lahat ng stakeholders ay mahalaga para tapusin ang karahasan at tugunan ang krisis sa Myanmar.

Hinikayat naman nito ang kanyang kapwa Southeast Asian leaders na ipagpatuloy lamang na tumanggap ng “constructive” approach sa pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders sa Myanmar, maging consistent layunin ng ASEAN.

“This would include direct engagement with the military administration, but also with all other stakeholders, including the political opposition within the ASEAN framework towards the full implementation of the Five Point Consensus,” ang wika ni Pangulong Marcos.

Samantala, maliban sa krisis sa Myanmar, binanggit din ng Pangulo ang iba pang usaping naka-aapekto sa Southeast Asian region, gaya ng post-pandemic recovery, China-Taiwan cross-strait relations, at Russia-Ukraine conflict. Kris Jose