Peace process sa Mindanao ‘di maaapektuhan ng ambush sa ilang PNP personnel -Galvez

Peace process sa Mindanao ‘di maaapektuhan ng ambush sa ilang PNP personnel -Galvez

August 31, 2022 @ 11:52 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hindi makaaapekto sa peace process sa Mindanao ang nangyaring pananambang sa opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Maguindanao, ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr.,

Naniniwala si Galvez na siyang National Peace Consciousness, Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation & Unity (OPAPRU) na “isolated case” ang nangyaring insidente.

Bagama’t aminado si Galvez na wala siya sa posisyon para magbigay ng pahayag kung ano talaga ang nangyari pero aniya para sa kanya ay nakita niya na ito ay isolated case.

Umaasa rin ang kalihim tulad ng pagtitiyak ng mga commanders na titignan kung ano ang mga coordination offices.

“Nakita natin wala pong ano–very minimal po ito and then hopefully it will resolved immediately,” pahayag ng kalihim sa Kapihan sa Manila Bay.

Maalala na tinambangan ang hepe ng bayan Ampatuan sa Maguindanao kasama ang kanyang tauhan habang patungo sa Barangay Kapinpilan upang isilbi ang arrest warrant na inisyu ni Maguindanao Regional Trial Court Branch 15 Judge Anabelle Piang laban kay Kamir Kambal, na wanted para sa robbery at intimidation of persons, bilang bahagi ng “One-Time, Big Time” na operasyon nito.

Napatay sa ambush ang hepe na si Lt. Reynaldo Samson at kanyang tauhan na si Cpl. Salipudin Endab.

Sugatan din si M/Sgt. Renante Quinilayo at Cpls. Rogelio dela Cuesta at Marc Clint Dayaday. Jocelyn Tabangcura-Domenden