Peace talk, permanente nang tinapos ni PDU30

Peace talk, permanente nang tinapos ni PDU30

March 22, 2019 @ 8:14 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Permanente nang tinapos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Huwebes ang peace talks sa National Democratic Front of the Philippines.

Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay kasunod ng pagbuwag sa peace panel na pinangungunahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

“I am officially announcing the permanent termination of our talks between the government panel and the Communist Party of the Philippines,” ani Duterte sa kaniyang talumpati sa ika-22 anibersaryo ng Philippine Army sa Taguig City.

“I would like to announce that I am no longer entertaining any interventions or maybe persuasions in this democratic state of the Republic of the Philippines. My sense is that you can maybe talk to the next president of this republic one day,” ani pa Duterte.

Nagbabala rin si Pangulong Duterte sa mga komunistang rebelde na tigilan ang pananakop at kung hindi ay uutusan niya ang mga sundalo at pulisya na barilin ang mga ito.

“If you do that, I will order the soldier and the police to shoot you and to shoot you dead,” anang Pangulo.

Umaasa naman si Pangulong Duterte na mas marami pang rebelde ang susuko sa gobyerno./Remate News Team