Pederalismo, sagot sa kahirapan

Pederalismo, sagot sa kahirapan

July 21, 2018 @ 4:07 PM 5 years ago


Manila, Philippines -Naniniwala si dating chief Justice Reynato Puno na ang laganap na kahirapan sa bansa dahil sa kabiguan ng 1987 constitution na tugunan ang mga problema ng kahirapan ay malulutas sa Pederalismo.

Ayon kay Puno na siya rin chairman ng Constitutional Commission sa Pederalismo ang pagbabago ng porma ng ating pamahalaan patungo sa Pederalismo ang magbibigay daan para lutasin ang problema ng kahirapan sa maraming rehiyon.

Sa ginanap na Federalism symposium kanina Hulyo 21,  (Sabado) na pinangunahan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sinabi ni Puno, sa pederalismo ang mga failure ng 1987 constitution ay mabibigyang daan tulad ng problema sa kahirapan ng marami nating kababayan sa rehiyon.

Sinabi pa ng dating chief Justice kailangan talaga maisulong ang pederalismo at malaki ang paniwala nito, lahat ng failure ng 1987 constitution ay mareresolba ng pederalism, ani pa nito ang pinakamatinding failure niyan ay ang widespread poverty sa ating bansa.

Ayon pa kay Puno iilang pamilya lamang ang mayaman sa ating bansa, bakit mayaman sa natural resources ang mga rehiyon pero naiiwan sila, sa oras na maipatupad ang federalism, maaalis ang dynasty, tanggal ang monopoly, duopoly at ibat iba pang nagpapayaman sa mayayaman samantalang ang mga nasa malalayong lugar ay patuloy na naiiwan.

Kaugnay nito sinabi naman ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na kailangan pa ng higit na pagpapaliwanag sa mamamayang Pilipino ang tungkol sa Pederalismo upang maunawaan ng mga tao ang benipisyong makukuha ng taumbayan.

Nabatid pa kay Belmonte hinggil sa ulat na isang tao lamang sa apat na mamamayan ang nakakaalam ng Federalism batay sa SWS survey.

Ayon pa kay Belmonte kailangan  lamang umanong  maipaliwanag pa sa publiko ang adhikain ng isang Federal system of government. Sa amin sa lokalidad, oras na maipatupad ang pederlismo, higit na magkakaroon ng boses ang bawat mamamayan at ang mamamayan ang may direktang access sa pondo ng pamahalaan at direktang makikinabang sa mga programa ng bawat rehiyon”pahayag ni Belmonte. (Santi Celario)