Pedicab driver grinipuhan sa harap ng kinakasama, 2 anak

Pedicab driver grinipuhan sa harap ng kinakasama, 2 anak

February 26, 2022 @ 10:54 AM 4 months ago


NAVOTAS – Patay ang isang pedicab driver matapos pagtulungan gulpihin at pagsasaksakin sa harap mismo ng kanyang mag-iina ng dalawang lalaki sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Gaylord Libre, 31 ng Brgy. San Roque.

Sa report ni PSSg Karl Benzon Dela Cruz kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-10:30 ng gabi, ipinaparada ng biktima ang kanyang pedicab sa kahabaan ng Wawa St., Brgy Tangos South, kasama ang kanyang live-in partner na si Joan Silvestre, 37 at kanilang dalawang anak nang lapitan ng mga suspek na kinilala sa “Jeff Jeff Dela Cruz” at “Lorenzo Dela Cruz”.

Sa hindi malaman na dahilan, bigla na lamang pinaghahampas ni Jeff Jeff ang biktima gamit ang isang golf club na sinundan naman ni Lorenzo at pinagsaksak ng ilang beses sa katawan si Libre.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Iniutos na ni Col. Ollaging ang manhunt operation laban sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay. Boysan Buenaventura