Pedicab driver isinelda sa pagnanakaw ng bisikleta sa Navotas

Pedicab driver isinelda sa pagnanakaw ng bisikleta sa Navotas

January 14, 2023 @ 12:07 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kulungan ang kinasadlakan ng isang pedicab driver matapos magnakaw ng bisikleta sa Navotas City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang suspek bilang si Jonas Layug, 20, ng A.R Cruz, Brgy. Tangos South, Navotas City na nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 308 (Theft).

Sa pahayag ni Danilo Laudit, 53, driver, kay PSSg Reysie Peñaranda, nasa loob siya ng kanyang bahay sa Blk. 33, Lot 9, Navo-Homes, Brgy. Tanza 2 dakong alas-10:10 ng umaga nang makita niya ang suspek na bigla na lamang pumasok at tinangay ang kanilang bisikleta.

Hinabol ng biktima ang suspek na tumakas patungong Sampaguita Dulo St., Brgy. Tanza 2 hanggang sa makahingi siya ng tulong sa mga nagpapatrolyang tauhan ng Tanza Police Sub-Station 1.

Agad namang tumulong sa paghabol ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober sa kanya ang tinangay na bisikleta na nasa P3,500 ang halaga. Boysan Buenaventura