Pedicab driver isinelda sa pangmomolestiya sa 13-anyos na dalaginding sa Navotas

Pedicab driver isinelda sa pangmomolestiya sa 13-anyos na dalaginding sa Navotas

April 13, 2022 @ 12:30 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Rehas na bakal naman ngayon ang hinihimas ng isang pedicab driver makaraang himasin ang maselang bahagi ng katawan ng 13-anyos na dalaginding sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 ang suspek na kinilalang si Ranny De Lana, 37 ng M. Naval St. Brgy. Sipac-Almacen.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng Navotas Police Women’s and Children Protection Desk (WCPD), dakong alas-5 ng hapon nang lumabas ng kanilang bahay ang biktimang itinago sa pangalang “Lolita”, grade 6 student, para pakainin ang kanyang aso nang madaanan niya ang kapitbahay na suspek na nakatayo sa harap ng pinto ng bahay niya.

Bigla na lamang hinablot ng suspek sa kamay ang biktima at tinutukan ng patalim sabay pinagbantaan  na papatayin silang mag-ina kung susuwayin siya nito.

Matapos nito, sapilitang hinatak ng suspek ang biktima patungo sa puno ng Balete saka hinaplos sa maselang bahagi ng katawan.

Sa labis na takot, hindi nagsumbong ang biktima sa kanyang ina, subalit kinaumagahan ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na isinumbong sa nanay niya ang ginawa sa kanya ng suspek.

Humingi ng tulong ang mag-ina sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Boysan Buenaventura