Pekeng Chief Justice Gesmundo pinaiimbistigahan ng SC

Pekeng Chief Justice Gesmundo pinaiimbistigahan ng SC

January 12, 2023 @ 8:17 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Supreme Court (SC) sa publiko laban sa indibidwal na nagpapangap at nagpapakilala bilang si Chief Justice Alexander G. Gesmundo.

Nakatangap ng impormasyon ang SC na may isang tao na may cellphone number na +63 955 207 3094 ang ginagamit ang pangalan ng punong mahistrado.

Pinayuhan ng SC ang publiko na huwag pansinin ang anumang mensahe na ipinadadala mula sa nabanggit na numero maging sa ibang numero at kahit anong platform mula sa nagpapakilalang Chief Justice.

Nakipag ugnayan na ang Supreme Court sa mga kaukulang ahensya para imbestigahan ang isyu. Teresa Tavares