Pekeng DBM workers tutugisin ng DBM, NBI

Pekeng DBM workers tutugisin ng DBM, NBI

September 21, 2022 @ 1:13 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sanib-pwersa ang  Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Bureau of Investigation (NBI) para  tugusin ang mga taong ginagamit ang pangalan ng Department of Budget and Management (DBM) para makapanloko at gamitin ang kanilang mapanlinlang na solicitation schemes.

Nakipag-ugnayan na si Budget Secretary Amenah Pangandaman sa  DILG at NBI para matigil na ang napaulat na fake solicitation activities ng mga taong nagpapanggap na DBM personnel.

Hiniling ni Pangandaman kay  DILG Secretary Benjamin Abalos Jr.  na balaan ang local government units (LGUs) laban sa mga  unauthorized solicitation ng mga  unscrupulous individuals o organized groups na humihingi ng pera kapalit ng kunwari’y mabilis na pagpapalabas ng pondo  para sa mga programa at proyekto.

“These scammers would draft documents and would ask local chief executives to sign their fake requests, identify contractors, and ask for money in exchange for the supposed expedited release of funds for certain programs and projects,” ayon sa departamento.

Muling inulit ng DBM ang babala nito sa mga  local chief executives na huwag  mapabiktima sa mga scammers na nagso-solicit sa ilalim ng huwad at mapagkunwaring agarang pagpapalabas ng Local Government Support Fund (LGSF) ng LGUs.

“The Budget Chief requested the help of the DILG to inform the public against dealing with individuals representing themselves to be officials or personnel of the DBM, as well as those acting as middlemen to earn or solicit money for the false guarantee of the expedited release of Local Government Support Fund-Financial Assistance under the General Appropriations Act,” ayon sa DBM.

Sa kabilang dako, hiniling ng Kalihim sa NBI na magsagawa ng masusing imbestigasyon laban sa mga manloloko at papanagutin ang mga ito para sa kanilang criminal activities.

Tiniyak naman ni Pangandaman sa  NBI na makikipag-ugnayan sa kanila ang DBM kabilang  na ang pagbibigay ng leads na  may kinalaman sa unlawful scheme.

Nangako naman si Pangandaman sa publiko na patuloy na poprotektahan ng kanyang departamento ang  public interest at ang kaban ng bayan.

“Muli po kaming nananawagan sa ating mga kababayan na makipag-transact lamang po sa official channels ng DBM . Rest assured that the DBM will exert all efforts and employ the fullest extent of the law to identify, apprehend, and file charges against these deceitful individuals,” ayon sa Kalihim.

Samantala, hinikayat naman ng DBM ang publiko na ireport lamang ang kahalintulad na  fraudulent activities sa pamamagitan ng  (02) 735-4847.

Siniguro ng DBM na mananatiling “confidential” ang pagkakakilanlan ng caller. Kris Jose