Pekeng dentista sa Cagayan, timbog

Pekeng dentista sa Cagayan, timbog

August 3, 2022 @ 8:30 AM 5 days ago


CAMALAIUGAN, CAGAYAN- Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang pekeng dentista matapos maaktuhan nagsasagawa ng kanyang operasyon na walang lisensya sa Camalaniugan, Cagayan.

Sa pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Cagayan at Camalaniugan Police Station ay naaresto ang suspek na si Vanice Arellano na nagpapanggap na isang dentista.

Ayon kay PMaj. Reymond-1 Asistores, hepe ng Camalaniugan Police Station ay naaktuhang nag sasagawa ng dental services sa isang pasyente na walang lisensya.

Ang pagkahuli kay Arellano ay nag-ugat sa isang reklamo ng malpractice mula sa dating niyang naging pasyente.

Sa pagsalakay ng kapulisan mula sa suspek ay narekober ang mga dental kits, at iba pang mga kagamitan ginagamit para sa dental services.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9484 o Act to regulate the practice of dentistry, dental hygiene and dental technology. Rey Velasco