Pekeng FB group, page ng GSIS ibinabala

Pekeng FB group, page ng GSIS ibinabala

October 11, 2022 @ 9:36 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binalaan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang publiko laban sa ‘pekeng Facebook pages, profiles, at groups’ na gumagamit ng pangalan ng ahensiya para makapag-scam.

“Do not disclose confidential information without confirming the message’s authenticity,” paalala ng GSIS.

Ang ahensiya ay mayroon lamang isang official Facebook account at mayroong blue verification badge na magpapatunay ng ‘authenticity’ nito.

Sinabi ng GSIS na hindi ito hihingi sa kanilang miyembro at pensioners ng mga sensitibong impormasyon gaya ng One-Time Password, Card Verification Value, Personal Identification Number, at iba pang impormasyon na nakasulat sa GSIS card.

Ang anumang kahina-hinalang aktibidad ay mangyaring i-report kagaad sacontact centers ng GSIS na matatagpuan sa website at Facebook account nito. Kris Jose