Pekeng gamot online ibinabala ng FDA

Pekeng gamot online ibinabala ng FDA

December 16, 2022 @ 9:23 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration nitong Huwebes, Disyembre 15 sa publiko na iwasan ang pagbili ng mga gamot na available online.

Kasabay nito ay ang pag-aabiso ni FDA Public Information Officer Attorney John Benedict Aguzar sa pagbili ng mga pharmaceutical products online.

“Kasi itong mga nasa online na ito, hindi natin masabi kung iyan ba ay naverify natin or at least meron ba silang license to operate or certificate of product registration. That’s why we don’t advise to buy online,” ani Aguzar.

Ayon pa sa ahensya, dapat na binibili lamang sa mga akreditadong establisyimento ng FDA katulad ng mga botika, ang mga pharmaceutical products tulad ng gamot at supplements.

“Kung hindi dumaan sa pagsusuri hindi natin malalaman kung itong mga products na ito ay contaminated, adulterated or merong mga toxic ingredients na pwedeng makasama sa kalusugan ng tao.”

Maigi rin ayon kay Aguzar na bisitahin ang website ng FDA para sa mga abiso kaugnay ng pagbili ng mga produkto. RNT/JGC