Pekeng harina nasabat sa Maynila

Pekeng harina nasabat sa Maynila

March 15, 2023 @ 4:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa isang libong sako ng pinekeng Philippine Foremost Milling Corporation (PFMC) wheat flour sa raid na ikinasa sa ilang warehouse sa Maynila at Quezon City.

Sa pahayag nitong Miyerkules, Marso 15, sinabi ng PFMC na nilusob ng mga tauhan ng NBI ang warehouse sa Sampaloc, Manila at Novaliches, Quezon City nitong Lunes, Marso 13 sa bisa ng search warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court.

Ayon sa naturang milling company, nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa 1,100 sako ng pekeng Washington Gold Hard Wheat Flour na nakalagay sa cotton sack at 145 re-stitched at re-sacked original sacks ngunit naglalaman ng ibang uri ng harina.

Ang Washington Gold Hard Wheat Flour ay orihinal na produkto ng PFMC.

Ayon sa PFMC, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga bakery customers ng isyu sa kalidad ng kanilang harina, partikular na ang Washington Gold Hard Wheat Flour.

Agad naman silang nagkasa ng imbestigasyon at natuklasan na peke pala ang inihahatid na Washington Gold Hard Wheat Flour products sa ilang bakery.

ā€œLaboratory tests also confirmed that the flour inside the sacks were not real PFMC Washington Gold Hard Wheat Flour,ā€ ayon sa kompanya.

Ayon naman sa caretaker ng warehouse sa Novaliches, sinabi nito na ang mga sakong ginamit ay nabili mula sa Divisoria.

Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8293 o Trademark Infringement Act ang mga supplier ng nasabat na pekeng harina.

Anang PFMC, ā€œthe supplier of these fake products clearly intended to cheat and deceive bakeries into believing that they were purchasing PFMC’s high quality flour.ā€

ā€œThus, sellers of these fake products could be held liable for trademark infringement and unfair competition, aside from violating the Consumer Act of the Philippines, the Food and Drugs Administration Act, and other laws,ā€ dagdag pa. RNT/JGC