Pekeng Immigration services naglipana; BI, nagbabala
July 6, 2021 @ 7:18 PM
1 year ago
Views:
377
Remate Online2021-07-06T18:08:42+08:00
MANILA, Philippines – Nagbabala ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan mag-ingat sa isang kompanya na nag-aalok ng mga pekeng serbisyo sa immigration kapalit ng malaking halaga.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nakakuha umano sila ng kopya ng dokumento hinggil sa presyo ng babayaran kapalit ng immigration airport assistance.
“This company is allegedly charging P5,000 as Airport Assistance Fee, another P5,000 for processing fee, and P20,000 for a Department of Foreign Affairs (DFA) Invitation Letter,” ayon kay Morente.
“It seems that this company is using the name of government agencies to be able to charge such high rates to its employees,” dagdag pa niya.
Iginiit din ni Morente na hindi sila naniningil ng anumang ‘immigration assistance fee’ para sa mga dayuhan.
“It is disheartening to see reports of syndicates who are taking advantage of other people by using the name of government offices,” ayon pa kay Morente.
Matatandaan na nauna nang nagbabala ang kagawaran sa publiko hinggil sa nagpapanggap ng empeyado ng BI at nag-aalok ng tulong.
“Be wary of falling prey to these scammers. Immediately report to the authorities if you encounter such modus,” ani Morente.
Pinag-aaralan na ng kagawaran na magsampa ng reklamo laban sa nasabing kompanya. Jay Reyes
August 19, 2022 @7:30 PM
Views:
21
Manila, Philippines – Siguro naman ay matatahimik na ang mga nam-bash sa suot na yellow gown ni Alice Dixson sa nakaraang GMA Thanksgiving Gala Night.
Old Hollywood kasi ang itinakdang dress code sa naturang pagtitipon.
Marami sa mga attendees ay naka-black and white: gowns para sa mga kababaihan at suits for the men.
Bukod tanging si Alice lang came in yellow gown, kaya naman abut-abot ang pamba-bash sa kanya.
“Ang mga tao nga naman,” simulang reaksyon niya.
Aniya, malinaw daw sa imbitasyon na hindi lang black and white ang dapat isuot sa gala night.
Entonces, she arrived in bright canary yellow gown na ayon sa kanyang mga tagapagtanggol ay bumagay sa kanya.
Dagdag pa ni Alice, sinunod naman daw niya ang hinihingi ng okasyon.
“And that was to mingle with our colleagues, meet the bosses and have fun. Sana huwag kayong masyadong judgmental.”
Samantala, inamin naman ni Rhian Ramos na hiniram lang niya kay Dra. Vicki Belo ang dala niyang clutch which went well with her silver gown.
In her vlog, sinabi ni Rhian that she was so much preoccupied with the gown she wore, her shoes and make up that she forgot about the bag na teterno sa suot niya.
Nagpasalamat si Rhian kay Belo for lending her just the perfect clutch na bumagay sa kanyang gown, kung saan maganda na ang disenyo’y kumasya pa ang kanyang cellphone. Ronnie Carrasco III
August 19, 2022 @7:20 PM
Views:
22
Manila, Philippines – Akala lang natin na sa pelikula lang makikita ang isang mahirap na pamilyang nagdidildil ng asin.
O ‘di kaya’y nilalagyan ng toyo’t mantika ang kanin bilang ulam.
Pero nangyari na ito sa buhay ni Jane de Leon.
Bahagi ng interbyu sa kanya ni Ogie Diaz ay sumentro noong mga panahong namulat si Jane sa kahirapan.
May dating kasosyo raw sa negosyo ang kanyang ama, pero naloko ito.
Hanggang sa nawalan na raw ito ng ganang magtrabaho at naging house husband na lang.
Hindi rin daw sapat ang kinikita ng kanyang ina.
Umabot sa puntong ipinangungutang daw ng ina ni Jane ang pagluwas nila ng Maynila.
Baka nga naman narito ang kanilang suwerte.
Maraming sakripisyo ang pinagdaanan ni Jane bago narating ang kinalalagyan niya ngagon.
Naroong sa studio na ng ABS-CBN na siya nagpapalipas ng gabi o sa 24-hour convenience store na malapit para hindi ma-late sa tuwing meron siyang showbiz commitment.
Magandang pagkunan ng inspirasyon ang buhay ng bagong Darna.
Mas nanamnamin niya ang tagumpay mula sa kanyang nakaraan. Ronnie Carrasco III
August 19, 2022 @7:10 PM
Views:
24
Manila, Philippines – Marami ang naaliw sa Vivamax sexy babe at sa alaga ni mam Len Carillo na si Cloe Barreto.
Napag-usapan kasi sa mediacon ng pelikulang #doyluthinkImsexy kung anong qualities ng lalaki ang pwedeng makapagpa-turn on sa kanya.
“Turned on ako sa mga lalaking mabango at maganda ang paa saka kapag okay ang family niya, goods sa akin ‘yun. Plus factor din sa akin kung marespero siya sa parents lalo na sa nanay kasi ako mismo, mama’s girl ako, e.
“Turned off naman ako sa mga lalaking nanonood ng adult website lalo na kapag kami na ang mag-on tapos mahilig pa ring manood. Nandito naman ako, bakit pa niya mailangang mag-visit sa isang adult website?
“Kung sakaling ginagawa niya ‘yung pag-watch sa adult website nu’ng hindi pa kami mag-on, baka siguro may chance pa siya sa akin,” natatawa niyang pahayag.
Very ironic ang sinabi ni Cloe dahil ang pelikula niyang #doyouthinkImsexy ay tungkol sa isang babaing nagwo-work sa isang adult website.
Follow-up question kay Cloe, kaninong local personality siya naseseksihan?
“Honestly, I find Kylie Versoza very sexy, nate-turn on ako sa kanya lalo na ‘yung the way she answers question sa mga interview. The way siya magsalita, nakaka-turn on talaga,” ang medyo kinikilig pang sabi ni Cloe.
Napa-usapan din sa mediacon kung may balak ba siyang magpa-enhance ng katawan and mukha.
“Confident naman ako sa sarili ko and kuntento ako kung anong meron ako. Sa ngayon siguro wala akong planong magpagawa ng kahit anong parte ng katawan. Pero ayokong magsalita ng tapos,” sabi pa niya.
Kasama ni Cloe sa pelikulang #doyouthinkImsexy sina Marco Gomez, Chloe Jenna, Ava Mendez, Milana Ikimoto, at Ava Mendez, directed by Dennis N. Marasigan. Streaming na ang nasabing pelikula sa Vivamax on September 9, 2022. JP Ignacio
August 19, 2022 @7:00 PM
Views:
34
MALASIQUI, Pangasinan- Naglabas ng kautusan ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na pansamantalang ipinagbabawal ang pagpasok ng baboy mula sa tatlong kalapit na tatlong probinsya nito dahil sa African swine fever (ASF) virus.
Base sa Executive Order (EO) 0125 na ipinalabas ni Governor Ramon Guico III, simula noong Agosto 18 hanggang Setyembre 17 ay bawal munang pumasok ang mga baboy mula sa probinsya ng Bulacan, Pampanga, at Tarlac.
Sa huling datos ng Department of Agriculture (DA) nasa listahan ng kanilang zoning map at zoning status ang nasabing tatlong probinsya na aktibo sa ASF at nasa ilalim ng red zone o ang mga lugar na apektado ng nasabing virus.
“The DA Ilocos regional office recommended the crafting of executive orders and ordinances to regulate the movement of swine in the provinces,” ani Guico.
Inatasan na rin ni Guico ang mga opisyal ng provincial veterinary na patuloy ang gagawin quarantine checkpoints at mahigpit na ipatupad ang EO.
“In addition, in order to ensure the safety of our constituents and our swine industry, all local chief executives are directed to strengthen biosafety, hygiene, and sanitation standards in slaughterhouses or abattoirs and public markets in their respective area of jurisdiction,” dagdag pa ng gobernador.
Pati ang mga lokal na pamahalaan ay maging alerto at agad ipagbigay-alam kapag may kasong ASF sa kanilang lugar.
Kaugnay nito, namahagi na rin ang DA ng higit sa 2,000 sentinel piglets sa mga hog raisers sa ilalim ng kanilang programa na naapektuhan ng ASF para sa muli nilang pagsisimula.
Umabot naman sa 36 na bayan sa nabanggit na probinsya ang nakatanggap sentinel piglets at obserbahan ito ng 40-araw kung negatibo sa ASF hanggang sa umabot ng 90 hanggang 120 araw pa matiyak na ligtas ito sa naturang virus.
Kapag lumabas sa negatibo ang mga sentinel piglet ideklara ang mga lugar na ligtas na sa ASF.
Namigay rin ang DA ng mga ASF test kits kasama ang mga reader, laboratory equipment, power sprayers, ASF responder kits, at disinfectants. Mary Anne Sapico
August 19, 2022 @6:48 PM
Views:
27
MANILA, Philippines- Papatawan na ng mga parusa ang magsasagawa ng diskriminasyon laban sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community sa Cebu City.
Pinirmahan ni Cebu City Mayor Michael Rama ang Ordinance No. 2660 kung saan nakasaad ang penalties para sa mga mamamahiya sa mga miyembro ng LGBT community sa publiko, o mananakit sa kanila dahil sa kanilang sexual orientation.
Papatawan din ng parusa ang harassment at verbal o physical threats laban sa LGBT members sa ilalim ng ordinansa. May karampatang parusa rin ang mga biro at “pranks” na may kaugnayan sa gender identity.
Mahaharap ang offenders sa 3 hanggang 6 buwang pagkakakulong at pagmumultahin ng P3,000 hanggang P5,000, depende sa violation at sa diskresyon ng korte.
Isinusulong din ng ordinansa ang paglikha ng Sexual Orientation, Gender Identity, Expression and Sex Characteristics Pride Empowerment Council (SPEC), na mangangasiwa sa pagbabantay sa karapatan ng LGBT community.
Layunin din ng SPEC na lumikha ng mga programa at inisyatiba na alinsunod sa gender at development plan ng lungsod.
“I look forward to this because they deserved to be treated right,” pahayag ni Rama hinggil sa LGBT members.
Si Sangguniang Kabataan ex-officio Councilor Jessica Resch ang may-akda ng ordinansa. RNT/SA