Pekeng journo nangotong sa peryahan kulong!

Pekeng journo nangotong sa peryahan kulong!

January 13, 2023 @ 12:10 PM 3 weeks ago


PANGASINA-KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang lolo na nagpanggap na isang mamamahayag para mangotong sa peryahan sa bayan ng Calasiao.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Segundino Apostol Jr., 62-anyos, at residente ng Poblacion East sa bayan ng San Nicolas.

Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office director Col. Jeff Fanged, nagtungo sa kanilang tanggapan ang biktimang si Raymund Angustia para pormal na magsampa ng reklamo laban kay Apostol Jr.

Sa reklamo ni Angustia, nagpakilalang reporter ang suspek sa isang pahayagan at hinihingan siya ng nito bilang proteksyon ng kanyang peryahan.

Agad na naglatag na operasyon ang pinagsanib na pwersa ng Calasiao police station at ng 2nd Provincial Mobile Force Company laban sa suspek .

Nahuli sa akto ang suspek na tumatanggap ng marked money na nagkakahalaga ng P2,000.00 kaya agad itong dinakip ng mga awtoridad.

Nahaharap ngayon sa kasong robbery-extortion ang suspek.

“Magbibigay ito bilang babala sa mga manloloko na hindi sila kukunsintihin ang mga mali nilang gawain , ani ” ani Fanged./Mary Anne Sapico