Pekeng medisina buking sa Laguna, Zamboanga City

Pekeng medisina buking sa Laguna, Zamboanga City

February 4, 2022 @ 12:16 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ang publiko na maging mapanuring mabuti sa mga binibiling gamot matapos na makumpiska ng awtoridad ang mga pekeng medisina.

Nagmula ito sa magkahiwalay na operasyon na ikinasa sa Laguna at sa Zamboanga City.

Sa Laguna, nakumpiska ng awtoridad ang ilang mga kahon na naglalaman ng pekeng paracetamol at iba pang klase ng gamot.

Hindi nakapagpakita ng dokumento ang mag-asawang nagbebenta nito para mapatunayang sila ay awtorisadong seller kaya binitbit sila ng kapulisan.

In Laguna, authorities confiscated several boxes that contain suspected fake paracetamol and other kinds of medicines.

Habang sa Zamboanga City naman, nadiskubreng ibinbenta ang ilang pekeng medosina sa ilang drug stores doon.

Hindi pa naman nagbibigay ng pahayag ang drug store na nahulihang nagbebenta ng pekeng medisina na nabuking dahil ang lot number ng mga ito ay hindi kasama sa manufacturer’s list. RNT