Pekeng Molnupiravir sa COVID ibinabala ng DOH

Pekeng Molnupiravir sa COVID ibinabala ng DOH

January 19, 2022 @ 7:19 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Nagbabala  ang Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa mga pekeng gamot sa COVID-19 tulad ng Molnupiravir.

Ang Molnupiravir ay napagkalooban na ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorizatio (EUA) at Compassionate Special Permit (CSP).

Paalala ng DOH, ang Molnupiravir ay isang oral medication para sa mga pasyente na kumpirnadong COVID-19 positive  na may mild symptoms at nasa edad 60 pataas, may active cancer, chronic kidney disease, chronic  obstructive pulmonary disease, obesity, serious heart condition o diabetes.

Ayon sa DOH, ito ay ligtas at epektibo kapag ginamit sa tamang pasyente at naibigay sa loob ng limang araw.

Dagdag pa ng Kagawaran, ang hindi tamang paggamit ng nasabing gamot ay magdudulot ng panganib lalo na kapag ginamit sa maling target population ng higit sa limang araw o mga pasyenteng walang COVID-19.

Ito rin ayon sa DOH ay maibigay  at pangangasiwa  ng lisensyadong  doktor .

Paalala pa ng DOH, walang garantiya na ang mga nabibili o nabebentang Mulnopiravir sa mga hindi otorisadong mapagkukunan ay ‘genuine’ Kung saan maari itong makapagdulot ng panganib  sa mga konsyumer. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)