Pekeng NBI agent, timbog

Pekeng NBI agent, timbog

August 9, 2018 @ 4:22 PM 4 years ago


 

Quezon City – Arestado ang umano’ý pekeng NBI agent ng mga pulis matapos magpakilala itong ehente sa isang subdivision sa Fairview, Quezon City kahapon ng umaga Agosto 8, 2018 (Miyerkules).

Sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T Eleazar, kinilala ang nadakip na suspek na si Rafael Santos, 45, businessman, at residente ng Camarin, Caloocan City.

Dakong 9:30 ng umaga nitong kahapon, nagtungo umano ang suspek sa Ciudad Verde Subdivision, Brgy.Fairview,QC habang hinahanap ang isang sasakyan.

Nakasuot ang suspek ng t-shirt na may nakasulat na NBI at nagpakilalang NBI sa Vice President ng subdivision kaya sinamahan siya kay Marlan Santos-Delizo na siyang may-ari umano ng sasakyan na hinahanap nito. Ipinaliwanag umano ng suspek na ang sasakyan ni Delizo ay sangkot sa krimen.

Agad tinawagan ni Delizo ang kanyang kapatid na si Renilo Santos at hiningi ang identification ng suspek subalit wala itong maipakita dahilan para humingi ito ng tulong sa mga pulis.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Quezon City Police District Fairview station 5 sa ilalim ni Supt. Benjamin Gabriel at dinakip ang suspek sa police station.

Kasalukuyan nakikipag-ugnayan ang mga QCPD sa NBI para makumpirma kung ang suspek ay konektado sa NBI.

Nahaharap sa kasong usurpation of authority and illegal use of uniform and insigna ang suspek. (Santi Celario)