Pekeng paracetamol nasabat sa Maynila

Pekeng paracetamol nasabat sa Maynila

January 20, 2022 @ 4:19 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nasakote ng mga tauhan  ni Lt. Col. Rosalino Ibay Jr. ng MPD Special Mayors Reaction Team (SMART) at Manila BPLO ang 18,000 pekeng tablets ng sikat na paracetamol sa Bam-Bang St. Corner Yakal St. sa Maynila.

Kinilala ang suspek na si Monique Gamboa, 29-anyos. Sa isinagawang operasyon nakatangap ng impormasyon ang Manila Bureau of Permits and Licensing Office na nagbebenta online ang nasabing suspek ng pekeng gamot, at doon na tumambad ang kahon-kahong, Bioflu, Neozep at Rapid Test Kits na pawang counterfeit ayon sa sertipikasyon ng UNILAB. Crismon Heramis