Pekeng suka, ‘di masama sa kalusugan – DOH

Pekeng suka, ‘di masama sa kalusugan – DOH

May 20, 2019 @ 1:36 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng isang opisyal mula sa Department of Health (DOH) na ang mga lokal na brand ng suka na gawa sa synthetic o pekeng mga sangkap ay hindi naman talaga masama.

Ito ay matapos mapag-alaman sa pag-aaral ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na walo sa 10 brand ng suka ay gawa sa synthetic acetic acid imbis na fermented coconut sap o sugarcane.

“‘Yun kasing synthetic acetic acid, ‘pag ginamit siya sa vinegar, then we consider it as adulterated product. It’s not necessarily unsafe, kaya lang ang vinegar na for human consumption sa ating batas, naka-define siya as acetic acid from natural fermentation,”ayon kay  Health Undersecretary and Spokesman Eric Domingo sa CNN.

Ngayong Lunes, ika-20 ng Mayo, nakatakdang magpulong ang DOH, DOH, Department of Science and Technology, Department of Agriculture, at Department of Trade and Industry upang pag-usapan ang isyu sa suka. Sa ngayon, tinitignan muna ni Domingo ang ulat ng PNRI upang matukoy kunga ano ang partikular na brand na gumagamit ng synthetic acid.

Nilinaw naman ni Arcilla na hindi totoong nagdudulot ng iba’t ibang sakit ang pag-inom ng mga suka na ginamitan ng synthetic acetic acid.

Aniya, “Ang problema doon ay kung ano ang kahalo niya. When you manufacture synthetic acetic acid, there will be some by-products and that will have to be taken away. ‘Yung purity as food grade has to be ascertained and also labeled in the product.”

Binigyang diin ni Domingo na hindi ang epekto sa kalusugan ang problema sa isyu kundi ang mislabeling.

Ani Domingo, nasa 274 registered vinegar products sa FDA ang dapat gawa sa natural na sangkap.

“At the correct concentration, wala naman tayong alam na masamang effect ng acetic acid whether natural siya or synthetic siya. Kaya lang, hindi lang siya ang dapat na component ng pagkain,” Domingo said.

“It’s exactly the same acetic acid as DOST has said, kaya lang kapag pagkain kasi, gusto natin galing siya sa natural na mga pamamaraan ng pag-produce ng acetic acid. Kailangan lang, kung dineclare nila na natural siya, dapat ‘yun din ang laman. Hindi pwedeng mag-mislabel,” aniya./Remate News Team