Pekeng sundalo na may gun replica timbog sa Imus, Cavite

Pekeng sundalo na may gun replica timbog sa Imus, Cavite

February 4, 2022 @ 5:00 PM 8 months ago


Cavite – Arestado ang isang lalaking nagpanggap na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Miyerkoles, Pebrero 2.

Kinilala naman ang suspek na si Villardo Zape Peradilla Jr., a 40-anyos ng Barangay Bayan Luma 7.

Nakatanggap umano ang mga pulis ng report tungkol sa isang lalaking nakasuot ng military uniform at armado ng baril.

Nang komprontahin ng mga pulis, naglabas ito ng identification cards na may AFP logo na natuklasang peke.

Inaresto naman si Peradilla at kinumpiska ang gun replica.

Mahaharap naman ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at election gun ban. RNT/FGDC