Pelicans panalo laban sa undermanned na Warriors

Pelicans panalo laban sa undermanned na Warriors

November 22, 2022 @ 4:21 PM 2 weeks ago


NEW  ORLEANS — Umiskor si Brandon Ingram ng season-high na 34 puntos sa araw ng pagbabalik ni Zion Williamson sa laro mula sa tatlong larong pamamahinga, at tinalo ng New Orleans Pelicans ang kulang sa tao  na Golden State Warriors, 128-83, noong Lunes ng gabi (Martes, oras ng Maynila).

Naglaro isang gabi matapos manalo sa road game  sa unang pagkakataon ngayong season sa Houston, hindi pinaglaro ng Warriors  sina Stephen Curry, Klay Thompson, Draymond Green at Andrew Wiggins mula sa lineup sa New Orleans.

Naglaro si Williamson ng 23 minuto at gumawa ng siyam na puntos matapos magpahinga sa foot injury.

Umiskor si Devonte Graham ng 19 para sa Pelicans, na nanguna sa wala pang dalawang minuto sa laro at nanguna ng hanggang 45 puntos. Si Jonas Valanciunas ay may 10 puntos at 13 rebounds, at si CJ McCollum ay umiskor ng 15.

Kumamada si Jordan Poole ng 26 para sa Golden State, na bumagsak sa 1-9 sa kalsada.RICO NAVARRO