Pelikula ni Jake, kulelat sa MMFF; Deleter, nangunguna!

Pelikula ni Jake, kulelat sa MMFF; Deleter, nangunguna!

January 2, 2023 @ 11:46 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Inihayag ng talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz sa Facebook ang ranking ng walong opisyal na kalahok ng ika-48 Metro Manila Film Festival.

Base ito sa pitong araw na gross earnings ng mga pelikula hanggang December 31 last year.

Ang taunang festival ay tumatakbo nang sampung araw mula sa pagbubukas nito sa mismong Araw ng Pasko.

Binanggit ni Ogie na nakuha niya ang mga figures mula sa isang miyembro ng screening committee.

Of the eight entries, nangunguna ang Deleter tampok si Nadine Lustre na tinanghal na Best Actress sa Gabi ng Parangal.

Nagtala ito ng P126 million, dislodging Partners In Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi na sa simula lang umarangkada.

Pumapangalawa ang nasabing entry na nagtala ng P104 million.

Sinundan ito ng Family Matters with P30 million, na kung tutuusi’y malayo ang agwat sa Partners in Crime.

Nasa ikaapat na puwesto naman ang Labyu with An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria na P13.5 million ang kita.

Sinundan ito ng My Teacher nina Toni Gonzaga at Joey de Leon with P7.7 gross take.

Nasa pang-anim na puwesto naman ang Mamasapano: Now It Can Be Told na kumita ng P3.7 million.

Kulelat ang My Father, Myself nina Jake Cuenca at Sean de Guzman bagama’t nanalo roon bilang Best Supporting Actress si Dimples Romana.

Naging kapaniwalaan na sa MMFF na kung aling pelikula ang tatanghaling Best Picture ay ito ang aalagwa sa takilya.

Hinirang na first Best Picture ang Deleter, kung saan ang nagdirek na si Mikhail Red ang tinanghal na Best Director. Ronnie Carrasco III