Pelikula ni Juday, ligwak sa Oscar Awards!

Pelikula ni Juday, ligwak sa Oscar Awards!

February 12, 2021 @ 10:22 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa kinasamaang palad ay hindi nakasama sa 15 shortlisted films ang pelikulang “Mindanao” sa 93rd Oscar Awards.

Ang “Mindanao” ay isinumite para sa kategoryang Best International Feature Film. Sa direksyon ito ni Brillante Mendoza na naging kalahok sa Metro Manila Film Festival noong 2019.

Doon nagwagi si Judy Ann Santos bilang Best Actress, Allen Dizon bilang Best Actor at Mendoza bilang Best Director. Tinanghal ding Best Picture ang “Mindanao.”

Sa labinlimang pelikulang na-shortlist, tanging ang mga Asyanong kalahok mula sa Hongkong (“Better Days”) at Taiwan (“A Sun”) lang ang nakapasok. Ninety seven countries ang nagumite ng kanilang entries, 93 rito ang pinalad na tinanggap.

Iaanunsyo ang mga nominado sa March 5, samantalang ang Oscars naman ay gaganapin sa April 25 at televised sa maraming bansa.

Better luck next time na lang ang Pilipinas. Ronnie Carrasco III

 

 


  •  
  •  
  •