Pelikula nina Jake at Sean, ‘di mailalabas sa SM Cinemas!

Pelikula nina Jake at Sean, ‘di mailalabas sa SM Cinemas!

December 22, 2022 @ 2:50 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Bukod tangging ang My Father, Myself na isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival 2022 (MMFF) ang na-R-18 ang rating, nangangahulugan na para sa mature moviegoers ang nasabing pelikula na idinirek ni Joel Lamangan at produce ng 3:16 Media Production.

Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Sean de Gusman, Dimples Romana at Tiffany Grey.

Kumplikado at maselan ang plot ng istorya pero maayos at ‘di masagwa ang paglalahad ng kuwento ni Direk Joel.

Sa red carpet premiere night ay sa Trinoma Cinema ito pinalabas at pinalakpakan ang movie kung paano ginampanan nina Jake at Sean ang kani-kanilang character. Lumutang ang galing ni Jake sa kanyang role bilang closet gay na abogado.

Hindi rin nagpatalo sa acting ang gumanap na misis ni Jake na si Dimples, na pam-best actress ang ipinamalas na husay.

Markado rin ang ipinamalas na galing sa acting ni Sean, particular na sa mga eksena nila ni Jake.

Hindi rin kami mabibigla kung mabigyan din ng award ang baguhang si Tiffany na naural na natural ang pagganap na umibig ng wagas kay Sean.

Sigurado na makaka-relate sa movie ang LGBT community na posibleng nangyari rin sa kanila ang istorya ng My Father, Myself.

Maganda at malinis ang pagkaka-direk ni Joel sa mga daring scenes nina Jake at Sean, ganoon din sa love scenes nina Sean at Tiffany.

Ang problema at sayang nga lang ay hindi maipalalabas sa SM Cinemas ang My Father, My Son dahil hindi nagpapalabas ng R-18 movie ang nasabing mall. Gerry Ocampo