Pelikulang Katips, matapang, kinatatakutan!

Pelikulang Katips, matapang, kinatatakutan!

December 7, 2021 @ 9:42 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Marami ang nagsabing matapang ang musical film na “Katips, Mga Bagong Katipunero” na pinangungunahan ng theater actor na si Atty. Vinca Tanada at ni Jerome Ponce. Umaalingawngaw ang bawat eksena laban sa deklarasyon ng Martial Law sa panahon ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos.

“I admit na matapang ang pelikula pero ang gusto lang naman namin, e, ‘yung iparating ang katotohanan sa mga bagong generations ngayon. We really want to deliver a strong message to the audience,” sabi ni Vince, ang lead actor, writer, at direktor ng movie.

As a backgrounder, Vince is a lawyer who pursued his artistic passion by starting the Philippine’ Stagers Foundation Inc. (PSF) back in 2001.

Dahil sa pandemic ay aminado si Vince na naapektuhan ang kanilang pagtatanghal ng live sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

“The pandemic greatly affected our dedication to bring our musical plays that at the time was averaging at least 500 performances a year. It  was part of our artistic thrust to educate audiences all over the country – not only in the power of the arts but in teaching the young and old alike of the explosive force that knowledge of history has, in whatever form it will take.

“But the arts will always have a way to manifest even in times of difficulty,” pag-explain ni Vince na naging dahilan ng kanyang pag-crossover from theater to film.

Sa pelikulang “Katips…”, ipinakita kung paano minaltrato ng kapulisan ang mga suspects ng walang due process, kung paano inabuso ang mga kababaihan, kung paano pinatay ang mga pinaghihinalaan at saka tinatapo sa kung saan saan.

“I believe that sharing the story of students fighting for freedom in the middle of a force too big for them to control would be a timely metaphorical representation about our society today as we fight against the menace that continues to eat at our freedom as human beings,” sabi pa ng multi-talented na lawyer na si Vince.

Sinabi rin ni Vince na may kasamang historian ang production to make sure that the chronological accuracy of events is given justice.

Kasama rin sa musical film sina Mon Confiado, Johnrey Rivas, Lou Veloso, Nicole Laurel Asensio, Adelle Ibarriento, Sachzna Laparan, Dexter Doria at marami pa. PJ Ignacio