Pelikulang ‘Plane’ aaksyunan ng MTRCB ‘pag nakasasama sa imahe ng Pinas

Pelikulang ‘Plane’ aaksyunan ng MTRCB ‘pag nakasasama sa imahe ng Pinas

February 17, 2023 @ 10:12 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Magkakasa ng “necessary measures” sakalaing mapatunayan na delikado ang American film na “Plane” sa reputasyon ng mga Pilipino, maging ng bansa, ayon sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Huwebes.

Ito ay kasunod ng paghahayag ng Filipino Senators ng kanilang pagkabahala hinggil dito  sa diskusyon nitong Miyerkules, at sinabing masama ang ipinalalabas na imahe ng pelikula sa estado ng bansa.

“We acknowledge the sentiments expressed by our honorable Senators concerning the film Plane. Although the film is fictional, we still would not want our country to be portrayed in a negative and inaccurate light,” pahayag ni MTRCB Chairperson Diorella Maria Sotto-Antonio.

“[W]e will reevaluate the film in view of their concerns and will take all necessary measures if found to be in any way injurious to the prestige of the Philippines or its people,” dagdag niya.

Ang Plane ay isang American action thriller film na ipinalabas noong January 2023. Sa pelikula, napunta ang mga pasahero ng eroplano sa isang “war zone” matapos mag-emergency landing ang isang piloto sa war-torn territory na kalaunan ay napag-alamang sa Jolo Island sa Pilipinas. RNT/SA