Pelikulang ‘Plane’ ipinaba-ban vs masamang imahe ng Pinas

Pelikulang ‘Plane’ ipinaba-ban vs masamang imahe ng Pinas

February 16, 2023 @ 1:26 PM 1 month ago


MNAILA, Philippines- Isang resolusyon ang binabalak na pagtibayin ng Senado na komokondena sa pelikulang “Plane” hinggil sa pagsasalarawan nito sa Pilipinas bilang masamang bansa.

Inihayag ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos hilingin ni Senador Robin Padilla sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na huwag pahayagang maipalabas sa Pilipinas ang naturang palikula.

Ayon sa pelikula, inilarawan ng Plane ang buhay ng isang piloting si Brodie Torrance na ginampanan ni Gerard Butler na sumagit sa ilang pasahero nang tamaan ng kidlat ang kanilang eroplano kaya nagsagawa ng mapanganib na paglanding sa isang islang magulo – pero kahit nakaligtas sila sa pag-landing, nagsisimula pa lamang pala ang kanilang kalbaryo sa rebelde sa naturang isla.

“When most of the passengers are taken hostage by dangerous rebels, the only person Torrance can count on for help is Louis Gaspare (Mike Colter), an accused murderer who was being transported by the FBI. In order to rescue the passengers, Torrance will need Gaspare’s help, and will learn there’s more to Gaspare than meets the eye,” ayon sa website ng pelikula.

“Alam niyo po napakasakit lang po…Dito sa kanilang pelikula sinasabi ang ating awtoridada ay naduwag na sa mga rebelde, hindi na po sila umaaksyon at sinabi pa dito ‘they went down somewhere in the Jolo island cluster. It’s run by separatists and militias the Filipino armies were not there anymore,'” ayon kay Padilla nitong Miyerkules.

“Ginoong Pangulo, hindi po dapat ito tanggapin. Sana po, nakikiusap po tayo sa ating MTRCB, na sana po sa mga ganitong ganap kumakatok tayo sa opisina nila, ‘di po dapat ito pinapalabas sa Pilipinas. Dito po dapat sa ating bansa pinagbabawal ito at kino-condemn po natin ito,” giit niya.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng pagkadismaya si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na napanood ang naturang pelikula dahil isinalarawan nito ang Davao na may masamang imahe.

“According to Gerard Butler, they crash landed somewhere in Davao in Southern Philippines before they were able to determine their exact location that was Jolo,” ayon kay Dela Rosa.

“It really painted a bad image sa ating bansa dahil nga Davao, wala kang makitang ganong klaseng lugar na may mga rebelde na ganon katindi na namumugot ng ulo without apparent reason, pinupugutan ng ulo ang mga foreigner,” dagdag niya.

Aniya, sanhi ng pelikula, itinataboy nito ang dayuhang turista sa bansa.

“Medyo masaya lang ako nang kaunti dahil makita nila na yung mga… ELCAC roads na ginawa sa Mindanao ay pwede pala mala-landingan ng commercial plane at pwede pa mag-take off don ‘yung eroplano kaya yon lang ang positive point ko don na nakita,” aniya.

Matapos ito, nakisimpatiya din ni Zubiri kay Padilla saka binanggit ang pagsasabatas ng Bangsamoro Organic Law, kanyang pet bill, na nagkaroon ng kapayapaan sa Mindanao.

“Alam niyo po iba na ang Mindanao. Napakatahimik… Kaya inis na inis ako pag pinapakita nila– Ang ganda ganda pa naman ng Jolo, ng Sulu, ng Basilan, ng Tawi-tawi. It’s a magical place. Kaya nung pinalabas ‘yan ayaw ko talagang panuorin yan kasi baka matamaan ako ng high blood [pressure],” ayon kay Senate president.

Sinabi ni Zubiri na kanyang ipakita ang palikula sa Pangulo saka nagsabing dapat may gawin tayo dito.

“We are aghast. Nagulat kami. Malalaman ng tao, Pilipinas na naman ‘yan. Di naman nila alam saang sulok ‘yan e. Sabihin nila Pilipinas ‘yan, magulo,” aniya.

“I said this is really going to push us backwards in our tourism promotions again. Kaya I join you in condemning this movie and in particular, maybe we can come up with a resolution, saying this paints a wrong picture of the Philippines. Hindi ganito ang Pilipinas ngayon at napakabait ng Pilpino whether muslim man o kristiyano. Sila po ay peace-loving people,” patapos niya. Ernie Reyes