Pelosi: Tsina ‘di papayagan ng US na i-isolate ang Taiwan

Pelosi: Tsina ‘di papayagan ng US na i-isolate ang Taiwan

August 5, 2022 @ 2:34 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni US House Speaker Nancy Pelosi ngayong Biyernes na “hindi papayagan” ng United States ang China na i-isolate ang Taiwan, matapos ang kanyang pagbisita sa self-ruled island na ikinagalit ng Beijing.

“They may try to keep Taiwan from visiting or participating in other places, but they will not isolate Taiwan by preventing us to travel there,” ani Pelosi sa repoters sa Tokyo.

“We had high-level visits, senators in the spring, the bi-partisan way, continuing visits, and we will not allow them to isolate Taiwan.”

Si Pelosi ay nasa huling bahagi ng kanyang Asian tour na kinabibilangan ang pagdalaw sa Taiwan.

Ang Beijing, na tinitingnan ang Taiwan bilang bahagi ng teritoryo nito, ay naglunsad ng pinakamalaking pagsasanay militar nito sa paligid ng isla bilang tugon sa pagbisitang ito ni Pelosi.

Hindi direktang nagkomento si Pelosi sa drills ngunit inulit niya na ang kanyang mga pagbisita sa mga bansa sa Asya kabilang ang Taiwan ay “hindi tungkol sa pagbabago ng status quo” sa rehiyon.

“It is about… all of the pieces of legislation and agreements that have established what our relationship is. To have peace in the Taiwan Strait and have the status quo prevail,” aniya pa.

Sinabi ng Tokyo noong Huwebes na limang Chinese missiles ang pinaniniwalaang nahulog sa exclusive economic zone ng Japan.

Nagsalita si Pelosi matapos makipagpulong kay Punong Ministro Fumio Kishida, na tinawag na paglulunsad ng missile ng China na isang “malubhang problema na nakakaapekto sa ating pambansang seguridad at kaligtasan ng ating mga mamamayan.”

Sinabi ni Kishida na sinabi niya kay Pelosi na ang Japan ay “nanawagan para sa agarang pagkansela ng mga pagsasanay sa militar.”

Dumating ang 82-anyos na Amerikanong politiko noong Huwebes ng gabi mula sa South Korea, isa pang pangunahing kaalyado ng US, kung saan binisita niya ang hangganan ng North na armado ng nuklear.

Ito ang kanyang unang pagkakataon sa Japan mula noong 2015. RNT