‘PEOPLES DAY’ NI MALAPITAN PATOK SA CALOOCANIANS

‘PEOPLES DAY’ NI MALAPITAN PATOK SA CALOOCANIANS

September 10, 2022 @ 3:48 PM 3 weeks ago


SA laki ng obligasyon na dapat gawin at isakatuparan sa taumbayan na pumili at nagluklok sa isang elected official, aba’y sa totoo lang, mahirap maging public servant.

Madaling mangako kapag kampanyahan makuha lamang ang tiwala ng sambayanan, ngunit kapag nakaupo na sa puwesto – ang mga ipinangako kundi man naumpisahan at naisagawa, ang ending ay totally walang nagawa si nanalong kandidato.

Kaya’t sa susunod na halalan, ibabalik ang basura ng elected official na magtatangka muli sa kanyang posisyon. Ito’y hindi kuwento lamang dahil nangyari at tiyak na mangyayari sa mga politikong magaling mangako pero magaling lang pala mambola kapag oras ng halalan.

Pero kung may mga bolerong politiko, may mga maayos magserbisyo, magagaling din namang naluluklok sa puwestio tulad ng mag-amang Rep. Oscar ‘Oca’ Malapitan at Mayor Gonzalo Dale ‘Along’ Malapitan ng Caloocan City.

Si Oca, ang ngayo’y mambabatas, ang may pinakamahabang paglilingkod sa kasaysayan ng Caloocal politics na nagsimula sa konsehal, 3 terminong vice-mayor, 3 terminong representante, naging alkalde noong 2013 at natapos ang 9 na taong panunungkulan at nahalal na kongresista noong nakaraang May 9 elections.

Mula sa pabagsak na estado ng lungsod dahil sa kapabayaan ng mga nagdaang lider, ang Caloocan ay muling pumalaot sa kaunlaran magsimula nang tanganan ni Malapitan ang pamumuno sa pamahalaan ng Caloocan.

Naging sunod-sunod ang landslide victory nya sa mga sumunod na halalan sa pagka-alkalde.

Iba’t ibang malalaki at makabuluhang proyekto ang sunod-sunod na inilunsad ni Malapitan na nagdala nang di matatawarang pag-angat ng lungsod na maitutuing ngayon na halos ka-level na ng Makati, Manila, Quezon City at iba pang lungsod caloocan na maituturing na ngayong ka-level ng makati, manila at quezon city.

Sa imprastraktura, edukasyon, livelihood at iba pa, meron lahat ang Caloocan at mga patunay, tulad halimbawa ng 8-storey ‘state of the art” building ng Caloocan City Hall at maging university nito.

Pero ang isang proyekto na nakikita nating labis na kinagigiliwan ng mga taga-Caloocan ay ang mula noon at hanggang ngayon na proyektong ‘peoples day’ na unang isinagawa ni Oca alinsunod sa public service slogan niyang “TAO ANG

UNA” na ngayon ay itinutuloy naman ng anak na si Along.
Regular na isinasaganap ito tuwing Huwebes at Biyernes sa ibat ibang venue, kundi NDR district office at ss caloocan city hall ground.