People’s initiative ni Alvarez, supalpal kay Sotto

People’s initiative ni Alvarez, supalpal kay Sotto

July 23, 2018 @ 1:41 PM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Lantarang sinupalpal ni Senate President Vicente Sotto III ang plano ni House Speaker Pantaleon Alvarez na isulong ang people’s initiative upang i-postpone ang 2019 mid-term elections at palitan ang Saligang Batas.

Sa kanyang speech sa pagbubukas ng 3rd regular session ng 17th Congress kahapon, sinabi ni Sotto na malinaw sa 1987 Constitution na dalawa ang kapulungan ng Lehislatura, ang Senado at House of Representatives.

“In lawmaking, that road where we travel as a nation is limited by our 1987 Constitution, our laws, Supreme Court decisions, and our sense of reasonableness, equality, fairness and justice,” giit ni Sotto.

“We, in the Senate, comprise one of two essential component Houses of the Legislative Department, as set forth in Article VI, Section 1, of the 1987 Constitution which states: “The legislative power shall be vested in the Congress of the Philippines which SHALL CONSIST OF A SENATE AND A HOUSE OF REPRESENTATIVES … “. The use of the word “SHALL” as any student of law learns early in his studies, means that it is compulsory,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Sotto na binanggit din sa ating Konstitusiyon na 24 na senador ang miyembro ng Senado at 250 members naman sa Mababang Kapulungan.

“Mahalaga ang Senado sa lahat ng bagay kung pagsasabatas at kung gagamitin ng Kongreso ang tungkulin nito. Obvious naman na matatalo ng 250 ang 24 kahit anong oras,” aniya.

Pero, kung ikakatuwiran na pure number games lang ang Legislative Department, mukhang nakaligtaan ang punto.

“Hindi na kailangan ang Senado sa counterpart bills, hindi na kailangan ang bicameral conference committees, walang joint resolutions at walang joint assemblies  if that lame argument is carried to its absurd conclusion,” ayon kay Sotto.

Kamakailan, inihayag umano ni Alvarez na plano nilang ipagpaliban ang eleksiyon sa susunod na taon at isulong ang people’s initiative sa gaganaping joint session kahapon upang palitan ang Salitang Batas.

“Sa pagpapalit ng pangalan ng escuela o paaralan sa isang liblib na sulok ng Pilipinas kailangan ang Senado. Sa pagtatakda ng umpisa at katapusan ng Christmas break ng Kongreso, kailangan ang Senado. Sa pagpapalit ng pangalan ng mga kalsada, kailangan ang Senado. Sa pagtatalaga ng isang espesyal na araw sa isang maliit na bayan ng bansa, kailangan ang Senado,” ayon kay Sotto.

“Sa maliliit na bagay kailangan kami. Pero sa pag iiba ng Konstitusyon ng Pilipinas hindi kailangan ang Senado?,” dagdag niya.

Kahapon ng umaga, binuksan ni Sotto ang ikatlong regular sesyon ng Senado ilang oras bago magsalita si Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

“Ngayong hapon, didinggin natin ang President address sa ating bansa sa pamamagitan natin. Makikinig tayo kasama ang ating puso at isipan. Pagkatapos nito, gagawin natin ang lahat ng ating makakaya para sa ating bansa, na sinumpaang tungkulin bilang Senado ng mamamayan ng Pilipinas,” ayon kay Sotto. Ernie Reyes