Pepe, kinabog si Korina, memorize ang 7 continents!

Pepe, kinabog si Korina, memorize ang 7 continents!

October 5, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Perhaps no parent can be prouder than Korina Sanchez.

Biruin n’yo, sa edad na tatlong taon ay memoryado ni Pepe ang pitong continents sa buong mundo.

Ibinahagi ng batikang broadcast journalist ang pag-recite ni Pepe niyon sa loob ng sasakyan.

At take note, in-enumerate ng bibong bata ang mga continents sa pagkanta.

Banat nito: “I know the seven continents of the world,” at inisa-isa ‘yon na ikinagulat ni Korina.

Sey nito, talbog daw siya dahil hindi nga niya saulado ang mga ‘yon.

Si Pepe at ang kambal nitong si Pilar ay produkto ng tinatawag na gestational surrogacy.

Isinagawa ito sa Amerika noong 2019.

Matatandaang ipinost pa ni Korina ang paghahanap niya ng eskuwelahang papasukan ng mga anak nila ni dating DILG Secretary Mar Roxas.

Excited din ang mamamahayag na ihatid sila sa unang araw ng face-to-face classes.

Madalas maging laman ng social media account ni Korina sina Pepe at Pilar sa mga kalikutan ng mga ito, na cute ang dating sa mga netizens.

Dahil may kakambal si Pepe, does it follow na bibo rin si Pilar?

Panigurado!Ronnie Carrasco III