PERA ng gov’t employees doblehin – Estrada

PERA ng gov’t employees doblehin – Estrada

September 14, 2022 @ 12:09 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hiniling ni Senator Jinggoy Estrada na dapat doblehin na ang natatanggap na PERA o subsidiya ng mga kawani ng gobyerno.

Ito ay dahil umano sa nagtataasang halaga ng mga bilihin at serbisyo.

Dahil dito ay inihain niya ang Senate Bill 1027 na mag-aamyenda sa buwanang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) ng mga government employees at ito ay gawin nang Augmented Personnel Economic Relief Allowance o APERA.

Sa naturang panukala, gagawin nang P4,000 ang buwanang subsidiya sa mga empleyado ng pamahalaan anuman ang kanilang employment status. RNT/JGC