Pera padala ng OFW tumaas – BSP

Pera padala ng OFW tumaas – BSP

September 15, 2022 @ 1:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Malaki ang itinaas ng mga remittance o perang ipinapadala sa Pilipinas ng mga Pinoy mula sa ibang bansa ngayong buwan.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Bangko Sentral ng Pilipinas na sa katunayan ay pinakamataas sa loob ng pitong buwan mula sa $2.987 billion na remittance na natanggap noong Disyembre 2021.

Sa datos, ang cash remittances o money transfer sa mga bangko ay tumaas ng 2.3% o mula $2.853 billion noong nakaraang taon sa $2.917 billion.

“The expansion in cash remittances in July 2022 was due to the growth in receipts from land-based and sea-based workers,” pahayag ng BSP.

Pinakamalaki sa mga bansang pinagmumulan nito ay ang United States sa 41.4%, Singapore sa 6.9%, Saudi Arabia sa 5.9% at Japan sa 5.0%. RNT/JGC