Pera-padala ng overseas Pinoy, tumaas ng 3.1% nitong Oktubre

Pera-padala ng overseas Pinoy, tumaas ng 3.1% nitong Oktubre

December 16, 2022 @ 10:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tumaas ng 3.1% ang ipinapadalang pera ng mga Pinoy na nagtatrabaho at naninirahan abroad sa unang 10 buwan ng 2022.

Mula $28.82 bilyon sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, lumobo ito sa $29.72 bilyon sa kabila ng pagbilis ng inflation at paghina ng halaga ng piso.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ng 3.5% ang inflows nitong Oktubre o $3.23 bilyon mula $3.12 bilyon sa kaparehong buwan noong 2021.

Nakakita rin ng pagtaas sa padala ng mga land-based Filipinos na mahigit isang taon na ang kontrata habang tumaas din ang padala ng land-based at sea-based na ang kontrata ay mas mababa sa isang taon.

Sa nakalipas na 10 buwan, karamihan ng mga perang ipinadala ng mga Filipino ay mula sa United States, Saudi Arabia, Singapore at Qatar.

“The continued growth in OFW remittances may be attributed to the relatively higher inflation that may have required the sending of more [money] to cope with higher prices of goods and services for OFWs’ dependents in the Philippines,” ani Michael Ricafort, chief economist ng Rizal Commercial Banking Corp. RNT/JGC