Pera-padala sa Pinas tumaas ng 4.3%

Pera-padala sa Pinas tumaas ng 4.3%

October 17, 2022 @ 7:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tumaas ng 4.3% ang naitatalang cash remittances sa mga bangko katumbas ito ng $2.72 bilyon para sa buwan ng Agosto.

Ito ang bahagi ng datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas nitong Lunes, Oktubre 17 kung saan mas mataas ito kumpara sa $2.61 bilyon na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Mula Enero hanggang Agosto, ang cash remittances ay umabot na ng $20.99 bilyon o 3% mas mataas kumpara sa $20.38 bilyon pada sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

“The expansion in cash remittances in August 2022 was due to the growth in receipts from land-based and sea-based workers,” anang BSP.

Nangunguna pa rin ng contributor ng cash remittances ay ang United States, Saudi Arabia, Singapore at Qatar.

Dahil dito, inaasahan na temporaryong mapapalakas nito ang piso kontra dolyar. RNT/JGC