Pera-palit-panalo sa mga kakandidato, ibinabala ng Comelec

Pera-palit-panalo sa mga kakandidato, ibinabala ng Comelec

December 9, 2021 @ 6:48 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kakandidato sa Halalan 2022 hinggil sa mga indibidwal na nagsasabing kaya nilang manipulahin ang mga resulta at sguraduhin ang pagkakapanalo sa eleksyon kapalit ng salapi.

Babala ni Comelec Spokesperson James Jimenez, magpapanggap ang nasabing indibidwal na service providers at opisyal ng election body at mag-aalok sa mga kandidato.

Sinabi ni Jimenez na sinusubukan nilang lokohin ang mga desperado na kandidato na magbayad ng pera kapalit ng pangako ng tagumpay,

This is a con. They are trying to fool desperate candidates into paying the money in exchange of a promise of a victory,” Jimenez said.

“This is not possible under the automated election system as we have proven time and again since 2019,” ayon kay Jimenez

Nitong Miyerkoles ay natanggap ng Comelec ang kumpletong software na gagamitin para i-automate ang 2022 polls. Jocelyn Tabangcura-Domenden