Permanent OVP office bill ikinasa sa Kamara

Permanent OVP office bill ikinasa sa Kamara

August 4, 2022 @ 3:57 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Isinisulong ni Kausug Tausug Rep. Shernee Tan-Tambut na magtayo na ng sarili at permanent official residente ang mga Bise President ng bansa sa halip na umuupa lamang.

Sa kanyang inihaing House Bill 2698, sinabi ni Tambut na pakikinabangan ng bansa kung mayroon nang opisyal na tanggapn ang Office of the Vice President lalo at masyadong mahal ang pang-upa ng kanilang opisina.

Tinukoy ng lady solon ang ilang beses na palipat lipat ng opisina ng mga nakalipas na Vice President.

“Our past Vice Presidents used the Coconut Palace or the Tahanang Maharlika and also the Quezon City Reception House in New Manila, Quezon City. Being the second highest elected public official of the land, the Vice President needs a presentable official residence where he or she can meet official visitors like public officials, foreign dignitaries, or even common people needing assistance.”ayon sa lady solon.

Tinuran ni Tan-Tambut ang sistema sa ibang bansa gaya sa Estados Unidos na ang official na residente ng VP mula pa noong 1974 ay ang United States Naval Observatory sa Washington D.C. gayundin sa India, na ang tanggapan ng Pangalawang Pangulo ay sa Upa-Rashrtapati Bhavan habang sa Indonesia ay sa Rumah Dinas Wakil Presiden.

Nakapaloob sa panukala ng mambabatas na ang Vice president ay makakatuwag ng technical working group sa pagtukoy ng lokasyon at magiging disenyo ng gusali.

Sa panig ni Vice President Sara Duterte sinabi ng tagapagsalita nito na si Reynold Munsayac na plano talaga nila na magkaroon na ang permanenteng tanggapan ang OVP uang makabawas sa gastusin sa renta,operaation cost at iba pa. Gail Mendoza