Permanenteng blended learning pinag-aaralan ng DepEd

Permanenteng blended learning pinag-aaralan ng DepEd

August 19, 2022 @ 2:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Vice President at kasalukuyang Education Secretary Sara Duterte nitong iyernes na pinag-aaralan ng Department of Education ang implementasyon ng blended learning bilang permanenteng mode of instruction.

Sa Senate committee on basic education organizational meeting, iginiit ni Duterte na handa na ang DepEd sa pagbubukas ng klase alinsunod sa Department Order 24 kung saan nakasaad ang calendar and activities para sa School Year 2022-2023 sa kabila ng mga hamon na kinahaharap nila.

Sinabi niya na nagtalaga sila ng executive committee upang tiyakin na magiging maayos ang pagsisimula ng in-person classes.

Bagama’t tiwala umano sila na ang mga guro, school division superintendents, at regional directors ay labis na nagsisikap upang maging ligtas ang pagbabalik ng mga mag-aaral sa mga paaralan, sinabi ni Duterte na nagsasagawa pa rin ang Education Department ng pag-aaral sa implementasyon ng blended learning.

“Consequently, as part of the transition to in-person classes, blended learning shall still be implemented and we are continuing to study the implementation of blended learning as a permanent mode of instruction for basic education,” pahayag niya.

Ani Duterte, inaasahan nila ang full implementation ng five-day in-person classes sa lahat ng pampublio at pribadong paaralan sa Nobyembre 2. RNT/SA