“Permission to Dance” ng BTS muling nanguna sa BillBoard Hot 100 chart

“Permission to Dance” ng BTS muling nanguna sa BillBoard Hot 100 chart

July 20, 2021 @ 4:01 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

US – Nangunang muli ang kanta ng grupong korean boy band BTS sa Billboard Hot 100 chart nito lamang Hulyo 20.

Matapos na mag-ingay ang kanta ng grupo na “Butter” noong Hunyo ay pinalitan nila ulit ito ng ilabas nila nitong Hulyo 9, ang “Permission to dance” na talagang pinakinggan ng marami.

Umabot nga sa 15.9 million US streams, 1.1 million radio airplay audience at mahigit 242,800 ang nag-download ng nasabing kanta.

Matatandaan din na ang grupo nila ay humakot ng parangal sa Billboard Music Award nitong taon kung saan nominado sa kategoryang “Top social artists” sa kanta nilang Butter.

Ayon nga sa Billboard, ang grupong BTS ang isa sa mga pinakapinapakinggan sa buong mundo.

Sa ngayon nasa linya pa rin ng Billboard hot chart ang kanta nilang “Butter” na nasa ika-apat na bilang. RNT/Kristine Fernandez-trainee


  •  
  •  
  •