Permit ng POGO sisilipin ng PNP sa serye ng kidnapan

Permit ng POGO sisilipin ng PNP sa serye ng kidnapan

September 12, 2022 @ 7:58 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Bubusisiin ng Philippine National Police ang rekord ng mga Chinese foreigners at permit ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Ito ay dahil sa mga naitatalang kaso ng kidnapping sangkot ang ilang Chinese nationals.

Sa pulong balitaan, sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na hihingi sila ng tulong sa Bureau of Immigration upang makakuha sila ng kumpletong impormasyon sa mga Chinese nationals sa bansa.

“Nakikita natin na nahihirapan po ang ating kapulisan,” ani Azurin.

“So we really need to engage [with our Immigration Bureau] so that we would know who are the Chinese nationals coming in our country,” dagdag pa niya.

Nais din nito ang mas detalyadong klasipikasyon ng Chinese foreigners kung saan ngayon ay Chinese-Filipino lamang ang natutukoy nila.

Payo niya na sa susunod ay malaman din nila ang kategoryang Chinese-Malaysian, Chinese-Vietnamese o Chinese-Indian. RNT/JGC