Permit to carry arms sa 4 lalawigan, sinuspinde ng PNP

Permit to carry arms sa 4 lalawigan, sinuspinde ng PNP

February 27, 2023 @ 12:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na sinuspinde nito ang permits to carry firearms sa Lanao del Sur, Maguindanao, Nueva Vizcaya, maging sa bahagi ng North Cotabato.

Ito ay kasunod ng magkakahiwalay na gun attacks sa local government officials kung saan 10 indibidwal ang namatay, kabilang ang vice mayor.

Sinabi ni PNP spokesperson Jean Fajardo na nasa “heightened alert” level ang seguridad sa apat na lalawigan.

“[In] Lanao del Sur, Maguindanao, and 63 barangays in North Cotabato, the permit to carry firearms outside of residence has already been suspended, as well as in Nueva Vizcaya,” pahayag niya.

“There [is] random security border control implemented, there are random security checks and checkpoints in those areas to ensure there will be no incident similar to these cases,” dagdag ng opisyal.

Noong February 19, napatay si Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda, kabilang ang lima niyang kasama, sa ambush sa bayan ng Bagabag sa Nueva Vizcaya.

Dalawang araw bago ito, sa bayan ng Wao sa Lanao del Sur, inatake ng hindi pa nakikilalang suspek ang convoy ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr. Sa nasabing pananambang noong February 17, napatay ang apat na aide ni Adiong, habang nagtamo naman ang gpbernador at dalawa pa ng tama ng bala.

Nito lamang February 22, sinabi ng mga pulis na nasaktan din si Mayor Ohto Caumbo Montawal ng bayan ng Datu Montawal sa Maguindanao sa tangkang pananambang sa Roxas Boulevard sa Pasay City.

Inihayag ni Fajardo na ang PNP “has not established or [seen] any links with respect to these three cases” sa kasalukuyan. RNT/SA