Permit to carry ng baril sa ilang bahagi ng Mindanao, suspendido – PNP

Permit to carry ng baril sa ilang bahagi ng Mindanao, suspendido – PNP

February 19, 2023 @ 10:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinuspinde na muna ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence o PTCFOR sa tatlong probinsya sa Mindanao, ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.,

Ito ay kasunod ng nangyaring pananambang kay Lanao Del Sur Governor Mamintal Alonto-Adiong Jr. na nagresulta sa pagkasawi ng apat nitong kasamahan.

“Actually we are suspending the PTCFOR on the following areas, Maguindanao, Lanao del Sur, and then the 63 barangays ng North Cotabato which are under the BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao),” ani Azurin.

Idinagdag niya na makatutulong ang suspensyon upang maiwasan ang pagtindi pa ng krimen o shooting incident sa mga nabanggit na lugar kasunod ng insidente.

Ani Azurin, isa sa tinitingnan nilang motibo sa pamamaril ay ang “rido” o away-pamilya.

Matatandaan na nitong Biyernes, Pebrero 17 ay tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang convoy ni Adiong habang patungo sa bayan ng Wao.

“Governor Bombit Adiong is safe and out of danger,” pahayag ng opisina ng gobernador ng kaparehong araw. RNT/JGC