Permits ng gun owners na sangkot sa indiscriminate firing, pinababawi

Permits ng gun owners na sangkot sa indiscriminate firing, pinababawi

January 3, 2023 @ 1:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. nitong Martes sa Firearms and Explosives Office (FEO) na bawiin ang gun licenses ong mga sangkot sa indiscriminate firing noong Bagong Taon.

“As I have warned at the onset of the holiday security operations, criminal liability for indiscriminate firing is further aggravated if the offender belongs to the uniformed services. The Chief, FEO is directed to consolidate the names of those who violated the law on firearms use and to cause the revocation of their licenses without delay, likewise to initiate the filing of appropriate criminal cases,” pahayag ni Azurin.

Sinabi ni Col. Redrico Maranan, chief ng PNP Public Information Office, na nakapagtala ng tatlong kaso ng indiscriminate firing sa Iloilo, Manila at Quezon City mula Dec. 31, 2022 hanggang Jan. 1, 2023.

Sinibak sa westo ang miyembro ng PNP Special Action Force dahil sa indiscriminate firing sa Barangay Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya noong Dec. 30.

Inihayag ni Maranan na nagresulta mula sa agresibong law enforcement operations sa pagkakaaresto ng tatlong suspek sa umano’y indiscriminate firing noong pagdiriwang ng Bagong Taon– dalawang sibilyan at isang miyembro ng Philippine Coast Guard.

Sinabi ni Azurin na sa kabuuan ay mapayapa ang pagdiriwang ng holiday season sa buong bansa at walang naitalang malaking insidente mula Dec. 31, 2022 hanggang Jan. 1, 2023.

Sa internal security naman, inihayag ni Azurin na dahil sa aktibong defense posture ng PNP at ng militar, hindi nagkaroon ng pagkakataon ang communist terrorist groups na magsagawa ng offensive actions nitong holiday season.

“There are no recorded hostilities perpetrated by the communist terrorist group on possible targets despite threats aired by some leaders of the local communist movement to step-up attacks against government installations in honor of the death of CPP [Communist Party of the Philippines] founding chair Jose Ma. Sison last December 16 and to drumbeat their 54th founding anniversary on December 26,” aniya. RNT/SA